Friday, August 7, 2015

Tuklasin Ang Timog-Silangang Asya


     Ang mga bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya ay Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Vietnam, Thailand at East Timor.

     Ang Timog-Silangang Asya ay kabilang sa rehiyong tinatawag na “Ring of Fire” Kung saan madalas nagaganap ang paggalaw ng lupa at pagputok ng bulkan. Hitik sa bulkan ang mga lugar na ito at maaring magdulot ng paglindol dahil sa kanilang pagsabog.

     Karaniwang mainit ang panahon sa ilang bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil sa tuwiran itong nasisikatan ng araw. Ang Timog- Silangang Asya ay matatagpuan sa ekwador.


CAMBODIA
    
Ang Cambodia ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya kung saan namumuhay ang mahigit kumulang 15 milyong mamamayan nito. Sa buong kasaysayan ng Cambodia, ang relihiyon ay isang pangunahing taglay ng inspirasyon sa kultura ng kanilang bansa. Buddhismo ang kanilang relihiyon. Nasalanta ng giyeraang kanilang likas na yaman kaya ito ay nasira. Pagsasaka’t pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay. Kiskisan ng palay, paggawa ng tela, papel at jute ang kanilang industriya.



INDONESIA
  Matatagpuanang Indonesia sa isang fault line kaya madalas itong nakakaranas ng lindol at pagputok ng bulkan nanaging dahilan ng pagkasira ng bahay at mga gusali at pagkamatay ng maraming tao. Matatagpuan ditto ang malalagong kagubatang tropical, maiilap na hayup-gubat at iba pang uri ng kahoy yulas ng sandalwood, teakwood, ebon at chinchona. Pagsasaka, pangangaso, pangingisda at pagkakaingin ang mga pangunahing hanapbuhay rito.




LAOS
     Ito ay isang mabundok na bansa. Mais, kape, bulak, tsaa, prutas at tabako ang kanilang pangunahing pananim. Mayaman ang kanilang kagubatan sa puno, kawayan at quinine. Minimina nila ang bakal, tanso, karbon at tingga. Paggawa ng palayok, leathercraft, at silverware ang kanilang industriya.
 






MALAYSIA
     Mayaman sa kalikasan ang kanilang bansa. Nangunguna sila sa produksyon ng lata at palay ang kanilang pangunahing produkto. Sagana sila sa yamang tubig kaya isa sa kanilang pamumuhay ang pangingisda.

 



 
MYANMAR
     Halos two-thirds (2/3) ng lupain ng Myanmar ay agrikultura. Nagluluwas sila ng bigas at mayaman sila sa yamang mineral gaya ng ruby, sapphire at jade. Sila din ay may teakwood sa kagubatan katulad ng Indonesia.



PILIPINAS
     Bayanihan ay isa sa mga kulturang nakagisnan ng mga Pilipino. Ito ay ang pagtutulungan ng mga mamamayan kahit saan at kahit kalian. Pagkakabuklod-buklod ng mag-anak ay isa din sa mga kultura ng mga Pilipino. Kadalasang malalapit sa ang mag-anak at iba pang kamag-anak sa isa’t isa . Isa din sa mga kultura ng Pilipino ang pakikisama. Ito ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
  
    Ang pamumuhay sa panahon ngayon ay mahirap dahil nakararanas ang buong mundo ng pagbaba ng ekonomiya. Gobyerno na rin mismo ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa.

SINGAPORE
   Hindi mayaman sa likas na yaman ang kanilang bansa ngunit sila ay ang sentro ng komunikasyon at kalakalan. Matatag ang kanilang pananalapi at ang GDP nito ay ang pinakamataas sa buong mundo. Nakadepende ang kanilang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.



VIETNAM
Pinatataba ng ilog Mekong ang lupain ng Vietnam kaya palay ang kanilang pangunahing produkto. Iron ore, Antimony, Chrome, Phosphate, Molybdenun at bakal ang kanilang yaman mineral.










THAILAND
 


   Sagana din sa likas na yaman ang Thailand. Ang pagbati sa pamamagitan ng pagngiti ay isang mahalagang simbolo ng kanilang kultura. Sagana ang kanilang pagkain sa mga aromantikong sangkap lalo na ang kaaanghangan ng kanilang mga pagkain. Pakikipagkalakalan, pagsasaka, at pagluluwas ng goma ang kanilang pangunahing 



     Dahil sa mayamang lupa ng rehiyon, ang Timog-Silangang Asya ay malawak sa sakahan. Pala yang pangunahing produkto ng ilan sa sa mga bansa dito. Sa katunayan, ang dalawa sa pangunahing tagapagluwas sa Asya at sa buong mundo ay ang Thailand at Myanmar.


Social Studies
(Little Jesus Learning Center, Gr. 7, Section Hope)
Irish Natividad
Cristian Orena
Angelo Lim
George Torres